- Get link
- X
- Other Apps
Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe of the Day: Sweet & Sour Fish with Tokwa with Chef Echo Pascual.
Ingredients:
1. Ibabad ang fish fillet sa asin, paminta at katas ng kalamansi. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Magpakulo ng mantika sa kawali.
3. Unang i-prito ang tokwa. Hayaang maluto hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Habang piniprito ang tokwa, ihalo na ang itlog at harina sa fish fillet. Haluing mabuti hanggang sa mabalutan lahat ng isda ng itlog at harina.
5. I-prito ito pagkatapos ng tokwa.
6. Alisin ang mantikang pinag-prituhan.
7. Ilagay ang butter at igisa ang luya, bawang at sibuyas.
8. Ilagay na rin sabay-sabay ang carrots at bell pepper. Stir-fry muna ng mga 1 minuto.
9. Ilagay ang catsup at yung sabaw ng pineapple chunk. Halu-haluin.
10. Timplahan ng asin, paminta at asukal.
11. Huling ilagay ang pineapple chunk at tinunaw na corn starch. Maaaring lagyan ng tubig depende sa lapot ng sauce na nais.
12. Paghaluin ang nilutong fish fillet at tokwa. Ibuhos sa ibabaw ang nilutong sweet and sour sauce.
Ingredients:
- Cream dory
- Tokwa
- Carrots
- Red / green bell pepper
- Pineapple chunks
- Sweet tomato / banana ketchup
- Puting sibuyas
- Bawang
- Luya
- Corn starch
- Asukal
- Mantikilya
- Harina
- Itlog
- Kalamansi
- Asin
- Paminta
- Mantika
1. Ibabad ang fish fillet sa asin, paminta at katas ng kalamansi. Hayaan ng mga 15 minuto.
2. Magpakulo ng mantika sa kawali.
3. Unang i-prito ang tokwa. Hayaang maluto hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Habang piniprito ang tokwa, ihalo na ang itlog at harina sa fish fillet. Haluing mabuti hanggang sa mabalutan lahat ng isda ng itlog at harina.
5. I-prito ito pagkatapos ng tokwa.
6. Alisin ang mantikang pinag-prituhan.
7. Ilagay ang butter at igisa ang luya, bawang at sibuyas.
8. Ilagay na rin sabay-sabay ang carrots at bell pepper. Stir-fry muna ng mga 1 minuto.
9. Ilagay ang catsup at yung sabaw ng pineapple chunk. Halu-haluin.
10. Timplahan ng asin, paminta at asukal.
11. Huling ilagay ang pineapple chunk at tinunaw na corn starch. Maaaring lagyan ng tubig depende sa lapot ng sauce na nais.
12. Paghaluin ang nilutong fish fillet at tokwa. Ibuhos sa ibabaw ang nilutong sweet and sour sauce.
Comments
Post a Comment