Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Unang Hirit Recipe

Featured Post

Cannot Register on Maya- What to do?

Unang Hirit Recipe- Pancit Qaudra

Pancit quadra by Chef Jam Melchor MGA SANGKAP: pancit canton, tahong, pineapple juice, broccoli, black beans, red at green bell pepper, celery, sibuyas, bawang, luya, asukal, cornstarch, tubig, oyster sauce, toyo, asin, paminta, mantika. PARAAN NG PAGLULUTO: 1. Maggisa ng luya, bawang at sibuyas. Idagdag ang bell pepper, celery at broccoli. Timplahan ng asin at paminta. Isantabi kapag luto na. 2. Para sa noodles: maggisa ng luya at black beans. Lagyan ng tubig, oyster sauce at toyo. Pakuluin. 3. Ilagay ang pansit canton. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang noodles. 4. Ibalik ang mga gulay sa kawali. Idagdag ang pineapple juice at mga tahong. Lutuin hanggang bumuka ang tahong. 5. Para sa sarsa: Pagsamahin ang pineapple juice, cornstarch at asukal. Ilagay sa pansit at haluin hanggang sa lumapot ang sabaw.

Unang Hirit Recipe- Inihaw na tanigue at ensaladang pakwan

Inihaw na tanigue at ensaladang pakwan ni Chef Myke “Tatung” Sarthou MGA SANGKAP: tanigue, pakwan, siling panigang, sibuyas, kalamansi, asin, paminta, mantika, mint leaves, asukal PARAAN NG PAGLUTO:  1. Timplahan ang tanigue ng asin at paminta. Pahiran ito ng mantika upang hindi manikit kapag inihaw. 2. Ihawin ang isda hanggang sa maluto. Itabi. 3. Pagsama-samahin ang pakwan, pipino, siling panigang at sibuyas. 4. Lagyan ito ng calamansi juice, asin, paminta at asukal.  5. Timplahan ng patis. Lagyan ng mint bago ihain.  6. Ihain kasama ng inihaw na tanigue.

Unang Hirit Recipe- Sinigang na hito sa manggang hilaw

Here's how to make a Sinigang na hito sa manggang hilaw. MGA SANGKAP: hito manggang hilaw sitaw labanos okra kangkong sibuyas kamatis luya tanglad tubig asin  patis PARAAN NG PAGLULUTO: 1. Magpakulo ng tubig na may tanglad. 2. Kapag kumukulo na ang tubig, Ilagay ang hiniwang mangga. 3. Sunod na idagdag ang sibuyas, kamatis at kuya. Isama na rin ang sitaw at labanos. Muling pakuluin. 4. Dagdagan ng okra at ang hito. Pakuluin. 5. Kapag luto na ang isda, ilagay ang kangkong at timplahan ayon sa panlasa.

Unang Hirit Recipe- Sinigang na Bangus Belly sa Bayabas

Here's Unang Hirit Recipe- Sinigang na Bangus Belly sa Bayabas. Ingredients: 500 g bangus belly ½ kilo ripe guava half bundle sitaw, cut into 1-inch long 1 pc red onion, quartered 4 pcs tomatoes, quartered 1 head garlic, finely chopped 4 pcs siling pangsigang 1 bundle kangkong 1 liter water 3 tbsps fish sauce Salt to taste Cooking oil for sauteeing Procedure:  http://goo.gl/4tNhJo

Unang Hirit Recipe- Chicken fillet with creamy mango sauce

How to make a Chicken fillet with creamy mango sauce. MGA SANGKAP: - chicken fillet - manggang hinog - all-purpose cream - gatas - harina - asin - paminta - garlic powder - itlog - mantika - mantikilya - sibuyas - lemon juice - keso - sibuyas na mura PARAAN NG PAGLULUTO: 1. Pagsama-samahin ang harina, asin, paminta at garlic powder. Maghanda rin ng mga itlog para sa egg wash. 2. Isawsaw ang mga hiniwang chicken fillet sa egg wash at sa flour mix. 3. Iprito ang mga fillet hanggang sa maging golden brown. Itabi. 4. Para sa sauce, durugin ang manggang hinog gamit ang blender. Itabi.  5. Maggisa ng sibuyas sa butter at idagdag ang cream at gatas. Pakuluin. 6. Lagyan ng keso at haluin. Ilagay ang dinurog na manggang hinog at muling pakuluin. Timplahan ng asin at paminta.  7. Ibuhos ang creamy mango sauce sa manok bago hanguin.

Unang Hirit Recipe- Sizzling chicken steak with mushroom gravy

Sizzling chicken steak with mushroom gravy. MGA SANGKAP: manok, mushroom, all-purpose cream, bawang, sibuyas, chicken stock, liquid seasoning, butter, mantika, asin, paminta PARAAN NG PAGLULUTO: 1. I-marinate ang manok sa asin at paminta. 2. Iprito ang manok hanggang maging golden brown. Isantabi. 3. Igisa ang bawang at sibuyas sa tinunaw na butter. Lagyan ng cream at liquid seasoning pagkatapos. 4. Ilagay muli sa kawali ang napritong manok at lagyan ng mushroon. 5. Timplahan ng asin at paminta. Puwedeng dagdagan ng tinustang bawang.

Unang Hirit Recipe- Asadong Tambakol

MGA SANGKAP: tambakol, kalamansi, toyo, bawang, sibuyas, kamatis, tomato paste, tomato sauce, liquid seasoning, paminta, mantika, tubig, asukal PARAAN NG PAGLULUTO: 1. I-marinade ang isda sa toyo, kalamansi, bawang at paminta sa loob ng 15-30 minuto.  2. Iprito ang isda hanggang sa maging golden brown. Itabi.  3. Sa parehong kawali, maggisa ng bawang, sibuyas at kamatis. Lagyan ng asukal, tomato paste at tomato sauce.  4. Timplahan ng liquid seasoning at paminta. Pakuluin. 5. Ibalik ang piniritong isda. Panoorin ang video: http://bit.ly/1H62pNg

Unang Hirit Recipe- Chicken Kare-kare

MGA SANGKAP: anato see, luya, manok, sibuyas, bawang, peanut butter, asin, paminta, tomato sauce, talong, gata, pechay, sitaw, mantika, bagoong PARAAN NG PAGLULUTO: 1. Mag-gisa ng bawang, sibuyas, luya at ilagay ang manok at annatto juice. Lutuin ito sa loob ng ilang minuto. 2. Idagdag ang tatlong basong tubig, peanut butter, tomato sauce at talong. 3. Sunod na idagdag ang gata at pechay at hayaang maluto ang gulay. Panoorin ang video: http://bit.ly/1H65YDg

Unang Hirit Recipe- How to make 'suman de leche!'

Watch on How to make 'suman de leche!'Pinagsama ang dalawang paboritong Pinoy delicacy sa dish na ito! Presenting 'suman de leche!' Panoorin kung paano ito gawin. "Unang Hirit" finds out how to do 'uman de leche,' a dish that combines two Filipino classic desserts suman and leche flan.

Unang Hirit Recipe- How to Make Fish Pochero

Watch on how to make  Fish Pochero. MGA SANGKAP: Mantika Bawang Sibuyas Kamatis Tomato sauce Patis Asukal Tubig Isda Kamote  Beans Repolyo Saging na saba PARAAN NG PAGLULUTO: 1. Iprito ang isda. Itabi. 2. Maggisa ng sibuyas, bawang at kamatis 3. Idagdag ang tomato sauce at tubig. Timplahan ng asukal at patis. Pakuluin. 4. Idagdag ang pritong isda, kamote, beans, repolyo, at saging na saba. Panoorin ang video: http://bit.ly/1FMi5Xp

Minanok- Unang Hirit Recipe

Sarap Quezon! Minanok INGREDIENTS: beef spareribs, mantika, bawang, luya, sayote, mustasa, asin, paminta, patis PROCEDURE: 1. Igisa ang baka sa luya at bawang. 2. Lagyan ng tubig at pakuluin hanggang sa lumambot ang karne. 3. Timplahan ng asin, paminta at patis. 4. Ihalo ang sayote at mustasa. Muling pakuluin. Panoorin ang video: http://bit.ly/1x13aAB

Unang Hirit Recipe: Pork Teriyaki

INGREDIENTS: porkchop, toyo,asukal na pula,luya, sibuyas, bawang, sesame oil, cornstarch PROCEDURE: 1. Pakuluin ang pinaghalo-halong toyo, asukal na pula, luya, sibuyas, bawang, sesame oil at cornstarch. Itabi. 2. I-roll sa cornstarch na may asin ang baboy. Iprito. 3. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng piniritong baboy. Panoorin ang video: http://bit.ly/1CyQdT5

Unang Hirit Recipe- Sinigang na Isda sa Kamias at Miso

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Sinigang na Isda sa Kamias at Miso with Chef Dino Ferrari. Ingredients: isdang imelda kamias miso luya sitaw talong labanos kangkong siling panigang sibuyas bawang patis mantika tubig Photo and recipe credit: Unang Hirit Procedure: 1. Igisa ang sibuyas, bawang, luya at kamatis 2. Lagyan ng miso at tubig; pakuluin 3. Idagdag ang talong, sitaw, labanos at kamias. 4. Kapag luto na ang mga gulay, ilagay ang isda, kangkong at siling panigang. 5. Timplahan ng patis; pakuluin hanggang sa maluto ang isda. Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1C0yDZM

Unang Hirit Recipe- Cebu Pochero

Unang Hirit #KitchenHirit Recipe: Cebu Pochero  with Chef Harlequin Boloron Ingredients: beef sirloin or pork oil sibuyas patis o asin ground black pepper red bell pepper sweet corn tubig pechay patatas taro o gabi Procedure: 1. Maggisa ng sibuyas at bell pepper. 2. Ilagay ang karne; dagdagan tubig, at timplahan ng patis at paminta. 3. Pakuluan hanggang lumambot ang karne. 4. Idagdag ang patatas at sweet corn. 5. Isama ang pechay bago patayin ang kalan. Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1twu7Mx

Unang Hirit Recipe- Sweet and Sour Tilapia

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Sweet and Sour Tilapia with Chef Boy Logro. Ingredients: tilapia ketchup pineapple juice suka brown sugar bawang sibuyas green & red bell pepper carrot sibuyas na  mura corn starch mantika asin paminta Photo and Recipe credit: Unang Hirit Procedure: 1. Timplahan ang tilapia ng asin at paminta; pagulungin sa corn starch. 2. Prituhin ang tilapia at itabi. 3. Igisa ang bawang, sibuyas, bell pepper at carrots; lagyan ng pineapple juice at pakuluin 4. Kapag kumulo na, idagdag ang c.atsup, asukal at suka. 5. Idagdag ang slurry o cornstarch na tinunaw sa tubig. 6. Ilagay ang tilapia sa plato; idagdag ang sauce at sibuyas na mura. Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1Bib7qC

Unang Hirit Recipe- Buto-buto con Misua

Photo and recipe credit: Unang Hirit Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Buto-buto con Misua with Chef Dino Ferrari. Ingredients: buto-buto ng baboy misua patola carrots repolyo itlog sibuyas bawang patis sibuyas na mura Procedure: 1. Pakuluan ang buto-buto ng baboy. 2. Sa hiwalay na kaserola, maggisa ng sibuyas at bawang. 3. Ilagay ang buto-buto kasama ang sabaw; pakuluan ng 5 minuto. 4. Idagdag ang patola, carrots, repolyo, at misua. 5. Timplahan ng patis. 6. Ilagay ang sibuyas na mura. Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1s2gpQV

Unang Hirit Recipe- Pocherong Ulo ng Maya-Maya

Unang Hirit Kitchen Hirit Recipe: Pocherong Ulo ng Maya-Maya with Chef Dino Ferrari. Ingredients: ulo ng maya-maya saging na saba bawang sibuyas tubig tomato sauce tomato ketchup patatas carrots pork and beans brown sugar green peas margarine patis asin at paminta mantika Photo and recipe credit: Unang Hirit Procedure: 1. Igisa ang bawang, sibuyas at green peas. 2. Lagyan ng tubig, tomato sauce, at ketchup. 3. Timplahan ng asukal, patis at paminta. 4. Ilagay ang pork and beans. 5. Isunod ang ulo ng maya-maya. 6. Idagdag ang saba at patatas. Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1ArSyQs

Unang Hirit Recipe- Pusit Steak (Pustek)

Unang Hirit KitchenHirit Recipe: Pusit Steak (Pustek) with Chef Dino Ferrari. Ingredients: pusit toyo lemon o calamansi pamintang durog bawang sibuyas mantika asin Photo and Recipe credit: Unang Hirit Procedure: 1. Ibabad ang pusit sa toyo, lemon o kalamansi, at pamintang durog ng isang oras. 2. Maggisa ng sibuyas. 3. Sa parehong kawali, iprito ang pusit hanggang sa maging brown; isantabi. 4. Maggisa ang bawang. 5. Isama ang marinade at tinta ng pusit; pakuluin. 6. Ilagay ang piniritong pusit at pakuluan ng 15-20 minuto hanggang sa lumambot. 7. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan. 8. Idagdag ang piniritong sibuyas; timplahan ng asin.

Unang Hirit Recipe- Sinigang Pork Spare Ribs sa Bayabas

Unang Hirit #KitchenHirit Recipe: Sinigang Pork Spare Ribs sa Bayabas with Kusina Master Chef Boy Logro.  Ingredients: 1 kilo spareribs ng baboy 1 kilo ng hinog na bayabas 3 pcs kamatis, hiwain 2 pcs sibuyas, hiwain 2 pcs siling panigang ½ baso ng calamansi juice 2 tali ng kangkong 2 pcs talong 1 tali ng sitaw ¼ baso ng patis 1 tsp asin 1/2 tsp paminta Photo and Recipe credit: Unang Hirit Procedure: 1. Pakuluan ang pork spareribs hanggang lumambot. 2. Ilagay sa blender ang mga hinog na bayabas. 3. Idagdag ang nadurog na bayabas. 4. Isunod ang mga gulay (sitaw, talong, kamatis, sibuyas, siling panigang). 5. Lagyan ng patis, asin at paminta ayon sa panlasa. Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1qUOEZV

Unang Hirit Recipe- Suam na Mais sa Manok

Unang Hirit KitchenHirit Recipe: Suam na Mais sa Manok with Chef Dino Ferrari. Ingredients: mais na puti manok okra carrots saluyot chicken broth bawang sibuyas mantikilya asin paminta Photo and recipe credit: Unang Hirit Procedure: 1. Igisa ang sibuyas at bawang 2. Idagdag ang manok hanggang sa maging golden brown 3. Ilagay ang mais at pakuluin sa chicken broth; timplahan ng asin at paminta. 4. Idagdag ang carrots at okra; muling pakuluin sa loob ng 10 minuto. 5. Lagyan ng saluyot at pakuluin. Panoorin ang proseso: http://bit.ly/1A8jAMA

Popular posts from this blog

Canine Parvo Virus: Signs and How to Prevent

I have seen a lot of Parvo cases being posted on Social Media by Fur parents. How to prevent this dog viral virus and what are the early signs, symptoms and treatment of Parvo Virus . As the rainy season is around again, parvo cases are rampant. Canine Parvovirus (CPV) Infection is one of the deadliest viruses affecting our pets. It's essential to have knowledge about it to be aware of the symptoms and how to deal with them. To give you a brief understanding of the disease, here are a few Frequently Asked Questions and facts about the Parvovirus Infection.  Don't forget to pay a visit to your pets' veterinarians for check-ups and vaccinations. 💉 You can visit us at: Covelandia Rd. Sea Oil Gas Station Balsahan 4104 Kawit, Cavite, Philippines Talk to them at: Facebook Messenger: m.me/CaviteVet Number: (046) 686 3315 | 0917 133 0774 Email: contactus@jamirvet.ph credit: Jamr Veterinary Clinic

Monstera Tricolor Mint Price and Care Tips

The price of Monstera Mint Tricolor before is P100,000 for only one leaf, now you can but 2 to 3 leaves for only P40,000. By the end of the year the price might drop to P5,000 to P10,000 for a plnat. To maintain a good variegaton you need to place the plant in a high humid and bright indirect sunlight. Use thermocote fertilizer as it is excellent for variegated plants.  Thermocote is a temperature controlled release plant food specially formulated for variegated plants. It is released only when it’s optimal for plants to take in nutrients for fast growth & development. Thermocote helps keep plant variegation and may help bring back variegation of reverted plants. Here’s an example. My Florida Beauty sprouted a reverted leaf. Thankfully, variegation came back after use of Thermocote! Usage: 5grams for every liter of your favorite media. Apply once every 5 months. Recommendation: Put Thermocote in a basket or put on one side of the pot. Wet it when watering your plants. Use coco...

Jollibee Fun Catcher for Christmas Gift

Haven’t found a Christmas gift yet? We’ve got you covered with the new limited edition Jollibee Fun Catcher that both kids and the young-at-heart will enjoy! Get this now for only P425 with any Jollibee Value Meal purchase.