- Get link
- X
- Other Apps
Inihaw na tanigue at ensaladang pakwan ni Chef Myke “Tatung” Sarthou
MGA SANGKAP: tanigue, pakwan, siling panigang, sibuyas, kalamansi, asin, paminta, mantika, mint leaves, asukal
PARAAN NG PAGLUTO:
1. Timplahan ang tanigue ng asin at paminta. Pahiran ito ng mantika upang hindi manikit kapag inihaw.
2. Ihawin ang isda hanggang sa maluto. Itabi.
3. Pagsama-samahin ang pakwan, pipino, siling panigang at sibuyas.
4. Lagyan ito ng calamansi juice, asin, paminta at asukal.
5. Timplahan ng patis. Lagyan ng mint bago ihain.
6. Ihain kasama ng inihaw na tanigue.
Comments
Post a Comment